gAds

Analytics

2 umano'y kidnaper patay sa engkwentro sa Mandaluyong









MANILA - Dalawang hinihinalanang kidnapper ang napatay ng mga pulis sa engkwentro sa Barangay Malamig, Mandaluyong City Sabado ng gabi.

Ayon kay PO2 Anthony Daquel, nakatanggap sila ng tawag mula sa isang babaeng nakatakas matapos umanong tangkaing dukutin ng mga suspek sa Bonifacio Avenue.

Habang rumesponde ang mga awtoridad, nakasalubong nila sa Triangle Park ang isang Toyota Corolla na tumugma sa paglalarawan ng biktima sa sasakyan ng mga suspek.

Pinahinto ng mga pulis ang sasakyan, pero sa halip na sumunod ay tumakbo umano ang isang suspek na armado ng baril, dahilan para magsimula ang palitan ng putok.

Nasawi sa engkwentro ang mga hindi pa nakikilalang suspek.

Nakuha sa crime scene ang isang kalibre .38 na baril, isang MK2 grenade, ilang basyo ng bala at sari-saring drug paraphernalia.